Miyerkules, Disyembre 21, 2016

Ghost Fighter - Tagalog - Episode 6

Ang Ghost Fighter o YuYu Hakusho (Hapones: 幽☆遊☆白書, Baybay Romano: YūYū Hakusho, literal na kahulugan ay "Mga Ulat ng Kaluluwa" o sa Ingles ay "Ghost Files" o "Poltergeist Report")[1] ay isang seryeng manga[2] at anime na isinulat at iginuhit ni Yoshihiro Togashi. Sa Ingles na distribusyon at prangkisa, binabaybay ang pamagat ng serye bilang Yu Yu Hakusho samantalang sa Viz Media, binabaybay ito bilang YuYu Hakusho. Sa Pilipinas, nakilala ang palabas na hango sa nasabing manga bilang Ghost Fighter.
Kuwento ito ni Yusuke Urameshi (Eugene sa bersiyong Tagalog), isang pabayang kabataang nasagasaan ng kotse at namatay habang sinasagip ang buhay ng isang bata. Pagkatapos ng ilang mga pagsubok na ibinigay sa kanya ni Koenma (Jericho), ang anak ng hari ng Kabilang Daigdig, binuhay siya at itinalaga bilang Detektib ng Kabilang Daigdig, na magsisiyasat sa iba't ibang mga kasong kinasasangkutan ng mga demonyo at espiritu sa mundo ng mga tao. Higit na itinuon ng manga ang kuwento sa mga torneo ng sining panlaban (martial arts tournaments) habang umuusad ang serye. Sinimulang likhain ni Togashi ang YuYu Hakusho noong Nobyembre 1990, na nakabatay sa kanyang mga interes sa mga pelikulang katatakutan at mga kaluluwa, at sa impluwensiya ng mitolohiyang Budismo.
Orihinal na inilimbag bilang serye ang manga sa Weekly Shōnen Jump mula Disyembre 1990 hanggang Hulyo 1994. Binubuo ang serye ng 175 kabanata na magkakasama sa 19 na tomo (volume). Sa Hilagang Amerika, kumpletong inilimbag ang manga sa Shonen Jump mula Enero 2003 hanggang Enero 2010. Isang anime na binubuo ng 112 kabanata ang isinagawa sa direksyon ni Noriyuki Abe at ipinrodyus katuwang ang Fuji Television, Yomiko Advertising, at Studio Pierrot. Ang seryeng pantelebisyon ay orihinal na isinahimpapawid sa Fuji TV Network ng bansang Hapon mula 10 Oktubre 1992 hanggang 7 Enero 1995. Kinalauna'y binigyang-lisensiya ito sa Hilagang Amerika ng Funimation Entertainment noong 2001, kung saa'y isinahimpapawid ito sa popular na bahagi ng Cartoon Network kabilang ang Adult Swim at Toonami. Ipinalabas ang seryeng pantelebisyon sa iba't ibang bahagi ng daigdig, kabilang ang Pilipinas kung saan ipinakilala ito sa pamagat na Ghost Fighter. Nakapaglabas ang prangkisa ng YuYu Hakusho ng dalawang pelikulang anime, isang serye ng mga original video animation (OVA), mga audio album, mga larong-bidyo, at iba pang kalakal.
Mainit na tinanggap ang YuYu Hakusho, kung saan nakapagbenta ang manga ng mahigit 50 milyong kopya sa bansang Hapon pa lamang, at nagwagi ng prestihiyosong Shogakukan Manga Award para sa shōnen manga noong 1993. Ang seryeng pantelebisyon naman nito'y nagwagi ng gantimpalang Animage Anime Grand Prix para sa pinakamahusay na anime sa taong 1994 at 1995. Pinanood ang YuYu Hakusho ng malaking bahagi ng mga manonood ng telebisyon sa bansang Hapon at napakalawak na bahagdan ng mga taong nasa iba't ibang edad sa Estados Unidos. Binigyan ang anime ng maraming positibong pagsusuri ng mga kritiko sa Hilagang Amerika, na pumupuri sa pagkakasulat ng kuwento, sa mga tauhan, at sa dami ng aksiyon nito. Bagama't may ilang kritikong nagsasabing masyadong paulit-ulit ang nasabing serye.
-wikipedia



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento